Saturday, January 9, 2010

IBONG ADARNA KABANATA 11-15

IBONG ADARNA

(Kabanata 11)

LAGI’T LAGING NAGHAHANAP NG ABENTURA


Talasalitaan:

  1. maliw- alis
  2. malalanghap-maaamoy
  3. kaulayaw-kasama

SUMMARY

î Ang bundok ng Armenya ay napakaganda. Napapaligiran ito ng magagandang tanawin. Maraming bunga sa paligid kaya walang magugutom na taong mapapagawi doon.

î Payapa ang buhay at malayo sa anumang kaguluhan.

î Dito nga sa Armenya napadpad si Don Juan makaraang umalis sa palasyo.

î Umalis siya sa palasyo para di maparusahan ang mga kapatid na nagpakawala sa ibon sa hawla.

î Nakita ng magkapatid si Don Juan sa kabundukang Armenya.

î Dahil sa ganda ng Armenya ay hinikayat ng mga kapatid si Don Juan na doon na lamang tumira at huwag ng bumalik sa Berbanya.

î Sa paglipas ng panahon ang magkakapatid ay naglilibang. Namimingwit sa mga batis at nanghuhuli ng ibon at usa sa paligid.

î Nagpasya rin sila ng pumasok sa kabundukan.

TEST

I. Sagutin ang mga sumusunod:

  1. Ilarawan ang Armenya.
  2. Kung ikaw si Don Juan, pagtitiwalaan mo bang muli ang iyong mga kapatid?
  3. Sa iyong palagay, desidido na ba si Don Juan na huwag ng bumalik sa Armenya? Bakit mo nasabi?

II. Ikuwento ang iyong karanasan hinggil sa di malilimutang adbentura sa iyong buhay.

(Kabanata 12)

KATATAGAN NG LOOB TUNGO SA TAGUMPAY


Talasalitaan:

  1. nakakaakit-nakahahalina
  2. nag-aangkin-nagmamay-ari
  3. matatalos-malalaman
  4. ninasa-ninais
  5. kumikinang-kumikislap
  6. hiwaga-misteryo

SUMMARY

î Namasyal sila sa kabundukan at may balon silang natagpuan.

î Ang balon ay malinis at walang damo’t mga sukal.

î Napansin nilang may hiwagang taglay ang balon. Sinabi ni Don Juan na lusungin nila itong magkakapatid.

î Kumuha sila ng lubid at nagboluntaryo si Don Pedro na lumusong muna sa ilalim. Sumunod sa kanya si Don Diego makaraang di ito tumagal sa ilalim.

î Di rin nakatagal sa ilalim si Don Diego kaya sumunod sa kanya si Don Juan.

î Sa ilalim ay natuklasan ni Don Juan na mayroon palang isang magandang tanawin doon-isang palasyo na yari sa ginto’t pilak.

TEST

I. Sagutin ang mga sumusunod:

  1. Ano ang ginamit ng magkakapatid para makapunta sa ilalim ng balon?
  2. Bakit kaya naakit silang lusungin ang balon?
  3. Ilarawan ang palasyo na nakita ni Don Juan sa ilalim ng balon.

(Kabanata 13)

HIGANTE MAN ANG KALABAN


Talasalitaan:

  1. higante- malaking nilalang
  2. nabihag- naakit
  3. nagpamook-nag-away
  4. pagal-pagod
  5. tatap- alam
  6. malupit-masama
  7. serpyente-ahas

SUMMARY

î Nakita ni Don Juan sa palasyo si Donya Juana na isang napakagadang prinsesa

î Pinuri at sinamba ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana

î Hiniling ni Donya Juana na huwag siyang iwanan doon dahil may isang sakdal-lupit na higanteng nagbabantay sa kanya.

î Hindi natakot si Don Juan sa higante.

î Nang dumating ang higante, inasar niya si Donya Juana. Dahil dito, nagalit si Don Juan sa higante at hinamon ang higante sa isang pagtutuos.

î Sa tulong ng Diyos nanalo si Don Juan.

î Aalis na sana sila nang maalala ni Juana na ang kanyang kapatid na si Donya Leonora ay naroon pa.

î Si Leonora ay binabantayan ng isang serpyenteng may pitong ulo.

î Hiningi ni Donya Juana kay Don Juan na iligtas ang kanyang kapatid mula sa serpyente.

î Pumayag naman si Don Juan.

TEST

I. Sagutin ang mga sumusunod:

  1. Bakit nagkagusto si Don Juan kay Donya Juana?
  2. Ano ang bumibihag kay Donya Juana?
  3. Sino si Donya Leonora at ano ang bumibihag sa kanya?
  4. Sino sa iyong mga kaibigan ang masasabi mong tapat? Bakit?

(Kabanata 14)

KAHIT PITO ANG ULO NG SERPYENTE


Talasalitaan:

  1. titigan- tingnan
  2. napagkit- nadikit
  3. nakahuma- nakakilos
  4. pagkadusta- pagkaalipin
  5. nahahapis- nalulungkot
  6. nagtitigan-nagtinginan
  7. balsamo-uri ng kemikal na nakakalason

SUMMARY

î Nakita ni Don Juan sa palasyo si Donya Leonora.

î Nagtitigan muna sila hanggang sa magtanong si Leonora kung ano ang ginagawa niya roon at kung bakit walang ingat sa pagsasalita ang binata.

î Humingi ng paumanhin si Don Juan

î Nagkagustuhan ang dalawa habang nag-uusap

î Dumating ang serpyenteng nagbabantay kay Donya Leonora at naglaban sila ni Don Juan

î Bahagyang natigil ang labanan

î Sa pagpapatuloy ng labanan, binuhusan ng balsamo ang ulo ng serpyente

î Galing kay Leonora ang balsamo

î Matapos matalo ang ahas, umalis sila Leonora at Juan sa palasyo.

TEST

I. Sagutin ang mga sumusunod:

  1. Ilang ulo mayroon ang serpyente?
  2. Gaano kalupit ang serpyente?
  3. Paano ipinakita ni Don Juan ang kanyang tapang sa kabanatang ito?
  4. Ano ang pakahulugan mo sa salitang “ahas?”
  5. Bakit sinasabing dapat tayong umiwas sa “mga ahas sa mundo?”

(Kabanata 15)

MULING PAGTATAKSIL


Talasalitaan:

  1. tangan- hawak
  2. yapos-yakap
  3. manaw-mawala
  4. pangimbulo-pagseselos
  5. lubid- isang uri ng panali
  6. lobo-isang uri ng hayop

î Kalalabas lamang nina Don Juan, Juana at Leonora mula sa balon

î Nagustuhan ni Don Pedro si Donya Leonora

î Ikinuwento nila ang mga nangyari sa ilalim ng balon gaya ng pagkakapatay sa higante at serpyenteng may 7 ulo

î Sa sobrang inggit, muling nagtangkang pagtaksilan ni Don Pedro si Don Juan

î Nakalimutan ni Leonora ang kanyang sing-sing sa kanilang pagmamadali

î Nagpasya si Don Juan na bumalik sa ilalim ng balon para kunin ang kanyang sing-sing

î Ngunit pinutol ni Don Pedro ang lubid na ginamit para di na makaahon mula sa balon si Don Juan

î Pinapunta ni Donya Leonora sa ilalim ng balon ang kanyang alabang lobo para alagaan si Don Juan

î Napilitan si Donya Leonora na sumama kay Don Pedro patungong Berbanya

TEST

I. Sagutin ang mga sumusunod:

  1. Ano ang naramdaman ni Don Pedro kay Donya Leonora?
  2. Bakit kinailangang bumalik ni Don Juan sa ilalim ng balon?
  3. Ano ang ginawa ni Don Pedro sa lubid na ginamit ni Don Juan? Bakit niya ito ginawa?
  4. Ano ang ginawa ni Donya Leonora para masiguro ang kaligtasan ni Don Juan sa ilalim ng balo?
  5. Kung ikaw ay may kaibigan na parating nagkakasala laban sa iyo, ano ang gagawin mo sa kanya?

No comments:

Post a Comment